Mas mataas na bilang ng recoveries kaysa sa mga bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Bicol kahapon

BNFM BICOL—Nakapagtala ng karagdagang 70 mga  bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol kahapon batay sa inilabas na ulat ng Department of Health.

Sa naturang bilang, 37 dito ang mula sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan 16 ang mula sa Naga City; walo sa bayan ng Pili; apat sa Sipocot; tatlo sa Libmanan at tag-iisang kaso ang mga bayan ng Buhi, Camaligan, Goa, Minalabac, Pasacao at San Fernando.

Nasa 14 naman ang mga naitalang kaso sa Albay kung saan tatlong kaso ang mula sa bayan ng Daraga at Malinao; dalawa sa Camalig, Legazpi City at Tiwi habang pawang may tag-isang kaso ang Guinobatan at Ligao City.

Ang islang lalawigan ng Catanduanes ay may siyam na mga bagong kaso kung saan tatlo nito ang mula sa Virac; dalawa sa Bato at ta-iisa ang Bagamanoc, Caramoran, Pandan at San Andres.

Siyam na kaso naman ang naidagdag sa Sorsogon kung saan apat ang  mula sa Sorsogon City; dalawa sa Casiguran at tag-isa ang Gubat at Pilar.

Dalawang kaso rin ang mula sa Camarines  Norte na mula sa mga bayan ng Basud at Talisay at wala namang naitalang kaso sa lalawigan ng Masbate.

Bunsod nito, pumalo na sa 58,414 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 8,350 sa mga ang mga aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 440 ang bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa 47,996 na ang recoveries sa rehiyon habang lima naman ang mga bagong kung kaya umabot na sa 2,068 ang COVID-19 death toll sa Bicol.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *