Mass vaccination inihahanda na ng City Government ng Naga dahil sa paparating ng 50K doses ng COVID-vaccine

NAGA CITY – May 25 libong mga taga Naga City ang inaasahang mababakunahan sa oras na dumating na ang hinihintay na 50 libong doses ng COVID-19 vaccines ngayong Hulyo.

Ang bilang ng mga mababakunahanng ito ay mula sa natitira pang mga hindi nabakunahan para sa 2nd dose sa kategoriya ng A1, A2 at A3.

Kaugnay nito ang ibang nasa kategoriya tulad ng sa A4 na kung saan kabilang ang mga ordinaryong empleyado, pribado man o pang gobyerno, mga estudyante at iba pang sector ay posibleng mapasama na rin.

Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Liga President at Ex-Officio Member City Councilor Antonio Dodit Beltran,sinabi nito na tuloy ang profiling nila sa bawat barangay para sa pagbabakuna.

Puwede rin anya na magsadya sa barangay hall ang sinumang individual na gustong magpa bakuna o itong mga tinatawag na walk-in para sila ay maisama na sa listahan ng mga posibleng mabakunahan.

Agad na i-schedule ng city government ang pagbakuna sa bawat barangay sakaling dumating na ang naturang mga vaccines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *