National

Master agent ng e-sabong, arestado sa Pasig

Inaresto ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang umanoy master agent ng e-sabong sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Ayon sa PNP-ACG, nahuli ang naturang suspek sa tulong ng isang impormante na nag-report kung saan naghahanap umano ito ng tataya.

Sinasabing kinukumbinse ng nasabing master agent ang ilang mga Pilipino na gumawa ng account nila sa e-sabong.

Samantala, isasampa sa ahente ang kasong Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling and Cockfighting Law of 1974 sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

(ARGIE ERGINA)

BNFM Makati

Recent Posts

Gen. Marbil: walang ginagawang loyalty check sa organisasyon

Mariing iginiit ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil na walang loyalty check na isinasagawa…

6 mins ago

Pagtaas sa presyo ng bigas – bahagyang bumagal

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbagal sa galaw ng rice inflation. Batay…

7 mins ago

Defense analyst – pabor sa desisyong ‘wag lagyan ng water cannons ang PH Ships

'Practical decision' daw ang ginawang posisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi maglagay ang Pilipinas…

8 mins ago

Apat, patay sa methane gas poisoning sa Nueva Vizcaya

Patay ang apat na indibidwal dahil sa methane gas poisoning sa loob ng isang tunnel…

9 mins ago

High profile cases ng hacking sa govt website, na-trace sa Bamban complex

Labis umanong nababahala si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa kamakailang impormasyon na kanyang…

9 mins ago

DFA – nanindigang walang cabinet-level official ng Marcos admin ang pumasok sa agreement sa China

Muling nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nangyaring kasunduan sa pagitan ng…

12 mins ago