Master agent ng e-sabong, arestado sa Pasig

Inaresto ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang umanoy master agent ng e-sabong sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Ayon sa PNP-ACG, nahuli ang naturang suspek sa tulong ng isang impormante na nag-report kung saan naghahanap umano ito ng tataya.

Sinasabing kinukumbinse ng nasabing master agent ang ilang mga Pilipino na gumawa ng account nila sa e-sabong.

Samantala, isasampa sa ahente ang kasong Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling and Cockfighting Law of 1974 sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.