Mataas na lider mula sa Singapore, bibisita sa Pilipinas

Magtutungo sa Pilipinas sa susunod na linggo si Singapore Foreign Minister Vivian Balakrishnan para sa tatlong araw na official visit.

Mula April 15 hanggang 17, target mapalakas ng Singapore ang economic, security, at political cooperation nito kasama ang Pilipinas.

Nakatakdang makipagpulong si Balakrishnan kay Foreign Secretary Enrique Manalo upang pag-usapan ang mga hakbang sa pagpapatibay ng ugnayan ng dalawang bansa, at makapagpalitan ng pananaw hinggil sa regional at international developments.

Mababatid na naganap ang huling pagbisita ng Singaporean leader sa Pilipinas noong June 13, 2017.

Sa mahigit 5 dekada, nagkaroon na ng maraming ugnayan ang parehong mga bansa pagdating sa defense and security, trade and investment, at cultural and people-to-people exchanges.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *