Mataas na opisyal ng Dawlah Islamiyah sumuko sa Sultan Kudarat

KORONADAL CITY-BOLUNTARYONG sumuko ang isang aktibong miyembro ng rebeldeng grupo na Dawlah Islamiya Maguid Group (DI-MG) sa mga otoridad sa Old Capitol, Barangay Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Lt. Col. Romel Valencia, commanding officer ng Army’s 7th Infantry Battalion ang sumuko na si alyas Khalid.Bitbit nito sa kanyang pagsuko ang isang M635 rifle, isang M16A1 rifle, isang kalibre 30 M1 carbine, isang M14 rifle, isang calibre 30 M1 garand rifle, magazine at mga bala.

Ayon kay Valencia, sumuko si Khalid dahil nais na umano nitong makasama ang kanyang pamilya at upang makapamuhay na ito ng matiwasay.

Sa ngayon patuloy ang panawagan ng gobyerno sa mga kasamahan nito sa bulubunduking bahagi ng Sultan Kudarat na sumuko na upang magkaroon ng bagong buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *