Local News

Matapos ang 12 taon na pagtatago, rank No. 4 Regional Most Wanted Person ng PRO5, arestado

Arestado ang 48-anyos na magsasaka makaraang hainan ito ng kanyang warrant of arrest sa Brgy Caditaan, Magallanes, Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Octavio Genorga Hoquis alias Ramir, binata at naninirahan sa nasabing barangay. Itinuturing ito na No. 4 regional most wanted person.

Sa pahayag sa Brigada News ng hepe ng Magallanes MPS na si PCpt Edwin De la Peña, sinabi nito na ang suspek ay namataan ng kanilang Intel operatives na umuwi sa kanilang barangay matapos na ito ay magtago sa Maynila ng halos 12 taon.

Ayon pa sa opisyal, nangyari ang krimen noong 2010 pa kung saan binaril at napatay nito ang suspek na nagnakaw ng kanyang niyog.

Sa pag-aakala umano na nakalimutan na ang kanyang krimen na nagawa makalipas ang mahigit 10 taon ay umuwi ito sa kanilang lugar subalit namonitor ng mga operatiba ng paniktik o Intel operatives ng Magallanes Police.

Ang warrant of arrest ay agad na ipinalabs ng RTC Br 65 na may petsang Pebrero 21, 2023 na walang inirekomendang piyansa. Tiniyempuhan ito ng mga operatiba at nadakma nga nila noong Biyernes, Marso 3 sa nasabing barangay.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

16 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

16 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

16 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

16 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

16 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

16 hours ago