Matinding init, isa sa dahilan sa mabilis na pagkalat ng forest fires

Tuluy-tuloy pa rin ang pag-apula sa forest fires sa bahagi ng Benguet, at mga karatig na probinsya.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay BFP spokesperson F/SSupt. Annalee Carbajal-Atienza – sinabi niyang wala pa ring pinal na resulta sa imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy.

Isa naman sa mga tinitingnang dahilan sa mabilis na pagkalat nito ay dahil sa nararanasang matinding init.

Sa huli, pinayuhan ni Atienza ang mga Pilipino na umiwas nang magsiga sa kani-kanilang mga bakuran para maiwasan na ang mga ganitong uri ng insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *