Matinding pagbabantay sa RBH 6, tiniyak ng isang senador

Nanindigan si Senate Deputy Minority Leader, Senadora Risa Hontiveros na titiyakin niyang mabantayan nang maayos ang diskusyon tungkol sa Resolution of Both House No. 6 (RBH6).

Ito ay upang masiguradong walang kahit anumang panukala ang magpapahina sa demokrasya ng bansa.

Ayon kay Hontiveros, kung tutuusin ay di na matatawag na “restrictive” ang bansa dahil bukas na bukas na ito sa daming ng panukalang naisabatas na nagpapaluwag sa mga restriction.

Ngunit sa kabila nito ay tila maituturing pa rin umanong kulelat ang bansa kumpara sa ibang bansa na nanatiling restrictive.

Samantala, ibinahagi naman ni Senate Subcommittee on Constitutional Amendments, Chairperson, Sonny Angara na sa Oktubre ang kanyang personal deadline para rito.

Ito ay upang ma-finalize na agad ito ng Commission on Election (COMELEC) at maisama sa eleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *