Matnog port, magdadagdag ng 2 vessels para sa mga cargo trucks

Plano ng Matnog Port na magdagdag ng kahit na dalawang barko para sa mga cargo trucks.

Sa pahayag ni Matnog Port Blue Lane Officer In-Charge Ambet Imperial, sa ngayon kasi umano ay talagang kulang ang mga vessel para sa nasabing mga behikulo.

Aniya, ang nasabing plano ay kanila na naman umanong naipaabot sa pamunuan ng Department Of Transportaion (DOTr) kung saan kanilang inaasahan na mapagbibigyan sa lalong madaling panahon lalo na at madalas mga cargo ang nahuhuling pasakayin, bukod pa sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero lalo na ngayong Semana Santa.

Samantala, kinumpirma ni Imperial na bukod sa mga light vehicles at mga bus ay prayoridad  nila ang mga delivery trucks na perishable ang mga kargamento.

Ang mga ito umano ang  talagang  inuuna nilang pinapasakay kahit pa kadarating lamang ng mga ito basta makapagpresenta lamang ng  manifesto na mga perishable goods ang kanilang karga.

Una rito, binanggit ni Imperial na mayroong 14 na vessel ang regular na bumibiyahe patawid ngĀ  Visayas at Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *