Matnog Port, mayroon nang nakatalagang mga tauhan upang maglinis sa nasabing pantalan

Upang manatiling maaliwalas ang bisinidad ng pantalan ng Matnog nagtalaga ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ng mga personahe na siyang maglilinis dito.

Ayon kay Matnog Port Blue Lane Officer Ambet Imperial, ang nasabing hakbang ay sa ilalim ng Kalinigan Program ng 7K ng Provincial LGU sa layuning maging kaaya-aya sa lahat ng mga biyahero ang nasabing pantalan.

Anya, bukod sa mga nakalatag na basurahan at nakatalagang garbage truck para sa regular na paghahakot ng basura, inihayag ng opisyal na mayroon silang nakaantabay na tauhan na nakatoka para maglinis sa lugar.

Kung matatandaan na ang problema sa basura sa nasabing pantalan ay matagal ng problema lalo na kung dagsa ang mga biyahero at nagkakaroon ng suspensyon sa paglalayag ng barko dahil sa masamang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *