Maulang weekend, asahan na

Asahan pa rin ang maulang weekend.

Ayon sa PAGASA, patuloy pa rin kasing magpapaulan ang umiiral na Shearline sa Extreme Northern Luzon; habang ang Intertropical Convergence Zone naman o ITCZ ang magpapaulan sa malaking bahagi ng Mindanao.

Magdudulot pa rin ng mga kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang kidlat at kulog ang Shear Line sa bahagi ng Batanes at sa Babuyan Islands.

ITCZ naman ang magpapaulan sa bahagi ng Aurora, Quezon, Camarines Provinces, southern portion ng Palawan, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan pa rin hanggang bukas ang maulap na panahon na mayroong kasamang mga kalat-kalat na pag-ulan, kidlat, at kulog, dulot ng ITCZ at ng localized thunderstorms.

Ngayong hapon naman hanggang gabi, asahan na ang mga katamtaman hanggang sa mga malalakas na pag-ulan sa Basilan, Misamis Oriental, Bukidnon, Lanao del Norte, Davao Oriental, Agusan del Sur, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Sulu, at Zamboanga del Sur.

Asahan ding magtutuluy-tuloy pa hanggang mamayang gabi ang naranasang biglaang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Metro Manila pati na rin sa mga karatig na rehyon gaya ng CALABARZON.

Kaugnay nito, sinabi ng weather bureau na wala nang aasahang anumang sama ng panahon at bagyo na papasok ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na limang araw.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *