Maxine Medina, buntis na!

Matapos nilang ikasal ng dalawang beses, nagbunga na ang pagmamahalan nina beauty queen Maxine Medina at ang kanyang asawa na si Timmy Llana.

Hawak-hawak ang ultrasound photos ng kanilang unang baby, masayang inanunsyo ni Maxine ang magandang balita at sinabing “So, this is how it feels to hold an ultrasound photo of our own little one!”

Naging emosyonal rin ang soon-to-be parents nang marinig nila ang first heartbeat ng kanilang anak.

Maalalang kinasal si Maxine at Timmy noong 2023, sa isang church wedding at beach wedding.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *