May-ari ng smuggled na P165M na luxury vehicle – sumuko na sa Customs

Boluntaryong isinurrender na sa Bureau of Customs (BOC) ang isang 165-M na pulang Bugatti Chiron sports car.

Ito ay isang linggo buhay nang manawagan ang BOC s apubliko hinggil sa dalawang luxury xars na nakita sa Pasay, Pasay, Pasig, Muntinlupa, at Cavite.

Dahil dito, pinuri ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang magandang resulta ng kanilang operasyon dahil isinurrender na mismo sa kanila ang sasakyang walang import documents.

Ani Rubio, isang ‘big win’ ito para sa kanila, sa harap ng target ng ahensya na solusyonan ang iba’t ibang uri ng smuggling.

Samantala, sinabi naman ni BOC-CIIS Director Verne Enciso na hindi pa tapos ang kanilang trabaho, at hahanapin pa nila ang isa pang mamahalang sasakyan.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa ng BOC kung sanag bansa nagmula ang luxury car; kung brand new o second hand ba ito; maging ang oras ng importation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *