May mental health issues sa Naga City, dumami matapos ang pandemya

NAGA CITY – Aktibo ngayon ang mga personahe ng Mental Health Section ng City Health Office na pinamumunuan ni Magno Reyes, registered nurse sa mga programa at aktibidad hinggil sa tamang pagtrato sa pasyente o individual na konsiderado nilang may mental health problems tulad ng may epileptic, autistic at pati na rin iyong nasa kategoriya ng may problema sa pag-iisip.

Ayon sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Reyes, napag-alaman na batay sa datus na hawak nila ang mga nasa 18 taong gulang pababa siyang may epilepsy o kaya may autism na dumami ang bilang matapos ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Reyes,na lahat ng mga pasyente nila ay nabibigyan naman nila ng tamang medikasyon lalo na iyong regular na nagre-report sa city health office, may mga gamot anya silang ibinibigay sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *