May sintomas ng COVID-19, dapat agad makipag ugnayan sa barangay

Muling nakiusap si Pampanga governor Dennis Pineda sa publiko na agad makipag ugnayan sa mga barangay official at health workers sa oras na makaramdam ng sintomas ng COVID-19.

Ayon sa gobernador hindi dapat magtago, mahiya o matakot ang sinumang makakaranas ng sintomas ng virus, dahil naka handa ang kapitolyo na tulungan sila sa pagpapagamot.

Sa katunayan sasagutin ng provincial government ang pagpapa gamot ng mga merong mild symptoms ng COVID-19 sa Diosdado P. Macapagal Memorial Provincial Hospital sa bayan ng Guagua.

Meron rin itong extension sa New Clark City at mga isolation centers sa bayan ng Mexico, at Lubao at hotels sa City of San Fernando.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *