Mayo Uno 6, pansamantalang nakalaya matapos ang isang linggong pagkakakulong

Pansamantala nang nakalaya mula sa pagkakakulong ang anim na aktibistang inaresto ng pulisya sa kasagsagan ng Labor Day protest sa Embahada ng Estados Unidos sa Maynila.

Ito’y matapos makapagpiyansa ang kanilang legal counsel at maglabas ng release order ang Manila Regional Trial Court Branch 37.

Ayon sa abogado ng anim na estudyante na si Atty. Christian Ramirez, nagkakahalaga ng P42K ang piyansa ng bawat isa para sa kasong illegal assembly at direct assault na pinag-ambagan ng iba’t ibang progresibong grupo.

Samantala, patuloy pa rin ang pakikibaka ng anim para isulong ang mga karapatan sa lupa, sahod, trabaho at edukasyon ng mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *