National

Mayor Inday at Pangulong Duterte nanguna sa presidential at vice president’l survey

Humataw ang tambalan nina Davao City Mayor Sara Duterte at kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa presidential at vice presidential survey na isinagawa ng OCTA Research para sa buwan ng Hulyo.

Batay sa Tugon ng Masa National Survey na isinagawa noong July 12 hanggang 18 kung saan lumitaw na 28 percent ng adult Filipino respondents ang nagsabing suportado nila si Mayor Sara sa posibleng presidential bid nito sa 2022 elections.

Kasunod ni Mayor Sara sa survey sina dating senador Bongbong Marcos (13%), Manila Mayor Isko Moreno (11%), at sina Senators Grace Poe (10%) at Manny Pacquiao (10%).

Pasok din sa presidential poll sina Vice President Leni Robredo, Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano, at Senator Christopher “Bong” Go na pawang nakakuha ng tig-5%; Senate President Vicente Sotto III – 3%; Senator Panfilo Lacson – 2%; dating vice president Jejomar Binay – 2%; at sina Senator Richard Gordon at dating Senador Antonio Trillanes na kapwa nakakuha ng 1%.

Lumabas din sa naturang survey na 18% ang nagsabing susuportahan nila ang posibleng vice presidential bid ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Moreno naman ang nasa ikalawang pwesto sa vice presidential polls na nakakuha ng 11%, ikatlo si Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano – 10%, sunod si Poe – 10%, at Marcos – 9%.

Si Sen. Sotto ay mayroong 7%, Pacquiao – 6%, Escudero – 5%, at sina Go at Lacson na kapwa may 4%.

Ang non-commissioned survey ay mayroong 1,200 respondents.

BNFM Makati

Recent Posts

Driver sa Ceres Bus gibilanggo human nga nakaligis-patay og motorista

Gitanggong karon sa prisohan ang drayber sa Ceres Bus ug gipaabot nga mapasakaan og kasong…

20 mins ago

269,100 milliliters sa dugo, nakolekta sa BNFM Butuan

Daghang bag sa dugo ang makolekta kun ang tanan magpakabana, molambigit, ug magpakuha sa kaugalingong…

2 hours ago

Ex-convict gidakdaka’g bato ug gidunggab patay

Patay ng napalgan ang usa ka exconvict nga nag buy-od sa yuta alas 11:50 kagabii…

2 hours ago

Ex-convict gipusil-patay samtang natulog sa e-bike

Napalgang wala nay kinabuhi nga nagbuy-od sa ebike ang usa ka ex-convict kinsa gipusil-patay pasado…

3 hours ago

DepEd – nag-commit na sa pagbabalik ng dating school calendar

Nakahandang sumunod ang Department of Education (DepEd) sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa…

3 hours ago

DA – wi-nelcome ang pag-certify as urgent ni PBBM sa RTL

Kaisa raw ang Department of Agriculture (DA) sa mga isinusulong na pag-amiyenda sa Rice Tarrification…

3 hours ago