Local News

64 na bagong kaso, 54 recoveries at 2 pagkasawi sa COVID-19 naitala sa Bicol

BICOL—Nadagdagan ng 64 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region kung kaya pumalo na sa 21,376 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon.

Nagtala ng pinakamaraming bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na may 32 kung saan 17 nito ay mula sa Naga City, tatlo sa bayan ng Lagonoy, tigdadalawa ang mga bayan ng Libmanan, Baao at San Fernando at tig-iisa naman ang mga bayan ng Calabanga, Cabusao, Lupi, Tigaon at Tinambac.

Ang Sorsogon ay nagtala ng 20 na bagong kaso kung saan sampo nito ay mula sa Sorsogon City, tigdadalawa ang mga bayan Bulusan, Donsol, Gubat at Pilar at tig-isa ang bayan ng Casiguran at Castilla.

12 bagong kaso ang naitala sa Albay kung saan tigtatlo ang bayan ng Daraga at Camalig, dalawa sa lungsod ng Ligao at tig-iisa ang mga bayan ng Bacacay, Libon, Tiwi at lungsod ng Legazpi.

Habang pare-parehong zero new case naman ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Catanduanes at Masbate.

Samantala pumalo na sa 17,408 ang total recoveries matapos madagdagan ng 54 na bagong gumaling kung saan 23 nito ay mula sa Naga City, 14 sa Sorsogon, sampo sa Catanduanes at pito sa Camarines Norte.

Dalawang bagong pagkasawi naman ang nadagdag na mula sa Albay at Sorsogon kung kaya pumalo na sa 806 ang death toll sa COVID-19 sa Bicol.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago