Mayorya ng mga senador, ‘di interisado sa Cha-Cha – Villanueva

Binigyang-diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi na sila interesado sa Senado na itulak ang Resolution of Both Houses No. 6 o pagpapatawag ng constitutional convention para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Kaugnay nito, hiningi ni Villanueva sa Comission on Elections (COMELEC) na ipawalang-bisa na ang mga naunang pirmang nakuha sa pamamagitan ng signature buying campaign.

Ito ay upang maamyendahan ang konstitusyon sa pamamagitan ng people’s initiative.

Samantala, tiniyak naman ng senador na ipapatawag nila ni Senadora Imee Marcos sa Senado ang mga sangkot sa nasabing isyu.

#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *