MCX, may dagdag-bayad sa toll simula bukas

Magsisimula bukas, March 18 ang pagpapatupad ng dagdag-bayad sa mga motoristang dumadaan sa Muntinlupa-Cavite Expressway o MCX – ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).

Sinabi ni TRB Spokesperson Julius Corpuz na may umento na P1 ang bayad sa toll para sa class 1; habang P2 naman sa class 2; at P3 sa mga class 3 na sasakyan.

Paglilinaw ni Corpuz, pagpapatupad lamang ito sa nalalabing kalahati ng dagdag-bayad sa toll na unang ipinatupad ng MCX noong Nobyembre ng nagdaang taon.

Kasabay nito, inanunsiyo ng tagapagsalita na sa March 24 hanggang March 31 ay ipatutupad ng TRB ang ‘Oplan Ligtas Biyahe’ para sa Semana Santa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *