Local News

MDRRMO Daet, nagbigay ng kaalaman sa publiko sa posibleng epekto ng Super El Niño

CAMARINES NORTE-Nagbigay ng kaalaman ang MDRRMO Daet sa publiko kaugnay sa posibleng epekto ng tinatawag na Super El Niño matapos ang kamakailan lamang na anunsyo na itinaas na ng PAGASA ang El Niño Alert sa bansa

Kasunod ito ng naitalang 43 degress Celsius na heat index sa Camarines Norte nitong May 08 2023 na itinuturing na “danger” sa heat index chart ng PAGASA

Ayon sa MDRRMO, sa ganitong panahon kinakailangan ang pagtitipid sa paggamit ng tubig dahil posibleng sa mga susunod na buwan na umano maranasan ang simula ng El Niño sa bansa.

Sa ibinigay na paliwanag ng PAGASA, Ang El Niño phenomenon ay ang hindi pangkaraniwang pag-init ng panahon dala ng lubhang pag-init ng karagatang pasipiko.

Pinapataas ng El Niño ang posibilidad ng mas mababa sa normal na kondisyon ng pag-ulan, na maaaring magkaroon ng negatibong epekto tulad ng dry spells and drought sa ilang lugar sa bansa.

Gayunpaman, sa kanlurang bahagi ng bansa, maaaring asahan din ang higit sa normal na kondisyon ng pag-ulan sa panahon ng Southwest Monsoon season

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago