Mandatory Face mask hindi kailangang ibalik

CAMARINES NORTE- Hindi irerekomenda sa ngayon ng Provincial Health Office kay Governor Ricarte “Dong” Padilla na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa gitna ng tumataas na muli ng mga kaso ng COVID- 19 sa lalawigan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sapat na ang ipinalabas na Executive Order ng Gobernador kamakailan na nagpapaalala sa lahat na sundin pa rin ang minimum health standard.

Sa naturang EO ay hinihimok ang publiko na magsuot pa rin ng facemask lalo na sa matataong lugar, mga may comorbidities, hindi bakunado, nakatatanda at mga nakakaranas ng sintomas ng sakit.

Samantala, posible umanong hindi na libre ang bakuna sa mga susunod na araw matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) na hindi na maituturing na isang global health emergency ang COVID-19.

Pero sa ngayon naniniwala si Francisco na mayroon pang suplay ng bakuna ang bansa.

Pwede pa rin naman daw ang libreng bakuna kahit hindi na health emergency ang COVID-19.

Kung ang pagbibigay nito ay population base, wala umano itong bayad dahil paglalaanan ito ng pondo ng LGU.

Kung individual base naman ay babayaran ito ng Philhealth at health insurance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *