MDRRMO Minalabac, kinilalang champion bilang best in static display sa kauna-unahang wasar & rescue march challenge sa Camarines sur

NAGA CITY – Pinarangalan at kinilalang Champion bilang Best in Static Display ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Minalabac, Camarines Sur sa kauna-unahang Water Search and Rescue (𝗪𝗔𝗦𝗔𝗥) at Rescue M.A.R.C.H Challenge nitong Hulyo 31, 2023 na pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Manangement Council.

Maliban sa pagpapamalas ng mga strategic plan pagdating sa mga rescue operation, ipinakita din doon ang iba-ibang kagamitan o rescue equipment ng bawat MDRRMO’s.

Kung saan isa sa hinangaan ang Electronic Recording Device System ng MDRRMO Minalabac na ayon kay Nemia Rebueno, MDRRM Officer, gamit ang isang app, cellphone o tablet, agad silang nakakakuha ng impormasyon sa nirespondehang insidente lalo na ang mga vehicular accident. Sa ganitong paraan mas napapadali din ang pagresponde at pagkuha ng mga data, na ito rin ang nais ipa-adapt ng PDRRMC sa mga MDRRMO’s sa probinsya.

Dagdag pa ng opisyal, nasa 90% complete na ang kanilang mga equipment na kasalukuyan nilang nagagamit sa mga operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *