MECQ Checkpoint higit na pinaigting sa Naga City ; Pagpapamulta nilimitahan

NAGA CITY – Mas pinahigpit ang pagpatupad ng mga restrictions sa mga MECQ check points dito sa Naga, subalit nilimitahan naman ang pagbibigay ng multa o pag ticket sa mga violators.

Lahat ng uri ng sasakyan na pumapasok sa Naga ay sinisita na kahit na mga private cars bukod sa mga single motorcycle.

Kahapon araw ng linggo, ang grupo ng Incident Management Team ay lalong naging aktibo dahil sa mas maraming sasakyan ang pumapasok sa lungsod para mag shopping, mamasyal o kumain kasama ang maaring lumabas na miyembro ng pamilya.

Sa pakikipag usap ng Brigada News FM Naga Kay PLtCol. Errol Garchitorena, deputy chief for operation ng Naga City Police Office, sinabi nito na bukod sa pag check point, nandoon pa rin ang regular na pagsita nila sa mga violators.

Ang pagkakaiba nga lang ngayon ay limitado na ang pagti-ticket sa mga violators na, sa halip na tikitan pinapauwi na lamang nila.

Ganito aniya ang gusto ng City Government, huwag ng magtiket o kaya bigyan ng face mask ang violators, sabi ni Garchitorena.

Kasabay nito ang muling panawagan ng opisyal, na kung hindi naman essential ang lakad huwag ng lumabas ng bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *