Local News

MECQ status sa Quirino Province, pinalawig

Pinalawig ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ang pagsasailalim sa probinsya bilang Modified Enhanced Community Quarantine na magtatapos sana nitong nakaraang May 14, 2021.

Ito ay alinsunod sa inilabas na Executive Order No. 16 – 2021 ng PGQ na nagsasaad na magtatagal ang MECQ status hanggang May 31, 2021.

Mgapapatuloy naman ang pagsunod sa mga protocols na una nang ipinatupad sa ilalim ng EO No. 14 noong May 1, 2021.

Paiigtingin naman ng Provincial Health Office ang Information Education Campaign kontra COVID19, implementasyon ng programa, proyekto at serbisyo upang matiyak ang kaligtasan ng kalusugan ng publiko.

Sa ngayon, nakapagtala ang lalawigan ng Quirino ng panibagong 2 kaso ng COVID-19 dahilan upang pumalo na sa 250 ang aktibong kaso sa probinsya.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

12 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

12 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

12 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago