Medical aid, patuloy na dumarating sa India

Patuloy na bumubuhos sa India ang mga emergency medical aid na nagmula sa mga foreign donors.

Ito ay matapos maitala ng India ang panibagong grim record sa bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Kabilang sa mga nagsidatingang medical equipment sa India ay ang mga oxgen-generation plants, na nanggaling pa sa France at Germany.

Naiulat ng nasabing bansa ang 3,689 na nasawi noong Linggo, na pinakamataas na bilang ng bagong fatalities sa loob ng isang araw mula nang magsimula ang pandemya.

Dahil diyan ay pumalo na ang total death toll ng India sa 215,000.

Lumampas naman ang kabuoang kaso ng India sa 19.5-million matapos ito madagdagan ng halos 400,000 infections.

Leave a Reply

Your email address will not be published.