Medical expert sa govt: Iprayuridad sa vaccination ang 50y/o pataas

Hinimok ng isang medical expert ang national at local governments na tutukan ang pagbabakuna sa mga indibidwal na may edad 50-taong gulang, pataas para maayos na maharap ang panganib na dulot ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant.

Ayon kay Dr. John Wong, epidemiology at data analytics expert na nagtatrabaho rin sa Inter-Agency Task Force ng gobyerno na ang pagshift ng ahensya sa mas nakakabata kumpara sa mga may edad na ikalawa sa vaccination priority list dahil sa vulnerability sa COVID-19 ay labis na makakatulong sa healthcare at intensive care capacity sa panahon ng surge.

Dagdag ni Wong, mas maganda rin umano na gamitin ang resources lalo na kung ang suplay ng bakuna ay hindi pa stable, at habang may two-week limit sa hard lockdown sa Metro Manila.

Binigyang diin pa nito na ang pagbabakuna sa may edad 50-taong gulang pataas ay makakatulong na mapababa ang deaths related sa COVID-19 ng 80%.

Una nang inamin ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na may mababang demand para sa bakuna sa A2 sector na kinabibilangan ng mga seniors, pero sinisikap ng gobyerno na mapataas ang bilang. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *