Medical personnel ng AFP at PNP tutulong na sa mga pampublikong ospital

Lalabas na sa kanilang mga kampo ang mga doktor at nurses ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Ito ay para tumulong sa mga pampublikong ospital bilang reliyebo sa mga pagod nang mga doktor at nurses kasunod ng pagtaas ng hospital utilization rate matapos ang surge ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay testing czar Vince Dizon maliban sa AFP at PNP, tutulong din ang mga doktor at nurses ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection.

Nangako na rin ang Department of Health na magdadagdag ng personnel bilang pamalit sa nagkakasakit na mga medical front-liners. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published.