Menor de edad, arestado sa kasong panghahalay at panggagahasa ng kapwa menor de edad sa Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang menor de edad sa Camalig, Albay dahil sa kasong 3 counts of acts of lasciviousness at statutory rape o panggagahasa ng menor de edad.

Kinilala ang child in conflict with the law (CICL) na si alyas “Boboy”, mula sa kaparehong bayan.

Nadakip ito sa bisa ng warrant of arrest, kung saan umabot sa PHP180,000 ang piyansang inirekomenda para sa 3 counts of acts of lasciviousness, habang PHP200,000 naman para sa statutory rape.

Napag-alaman din na ang nadakip na CICL ay tinaguriang Municipal Most wanted person ng nasabing bayan.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ito ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *