Menor de edad, sugatan matapos sumalpok ang minamanehong motor sa Mauban, Quezon

Sugatan ang isang menor de edad makaraang sumalpok ang minamaneho nitong motor sa isang gate sa Barangay Bagong Bayan, Mauban, Quezon nitong Huwebes, Pebrero 8.

Ayon sa report, patungo noon sa direksyon ng Tayabas City ang menor de edad na hinihinalang nasa ilalim ng impluwensya ng alak nang biglang lumihis ito pakanan at aksidenteng sumalpok sa isang gate.

Nagtamo ng injury sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan ang driver kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, kasalukuyan ng nagpapagaling ang nasabing driver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *