MENRO Daet, pinaalalahanan ang mga Brgy Officials na nakakasakop sa nasirang river control pavement na ginawang mini dumpsite

CAMARINES NORTE- Nadiskubre ng MENRO Daet na ang nasirang pavement sa Purok 2 , Brgy 1 ay ginawang mini dump site

Kaugnay nito, nagpaalala ang MENRO Daet sa mga Brgy Official ng naturang lugar ng idudulot na negatibong epekto nito lalo na kung ito ay matangay ng tubig at madala sa dagat

Gayundin ang dapat na pagpapatupad ng batas ayon sa kanilang responsibilidad sa RA 9003

Sa pakikipagugnayan ng MENRO sa mga Brgy Official sa naturang lugar, napagalaman na bagyong Ulysses pa raw ng masira ito  kung saan nawala ang hagdan at nakain ang lupang sinasandalan ng pavement kaya ito ay nagkabitak bitak

.

Ayon pa rin sa mga ito  ay meron na silang resolusyon para sa agarang pagsasaayus nito upang makaiwas sa mas malalang pinsala sa kabahayan doon .

Kaugnay nito, minabuti ng MENRO na magsagawa ng Clean up Drive katulong ang mga officials ng Brgy 1, EMB5 PEMU  at PNP SAF .

(photo courtesy: MENRO Daet)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *