MENRO-Virac sa Catanduanes, ibinida ang kanilang “improvised waste strainer” na gawa sa mga plastic bottles

BNFM BICOL—Ibinida ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO-Virac sa lalawigan ng Catanduanes ang kanilang improvised na “solid waste strainer.”

Ang dati kaseng mga patapong basura partikular ang mga plastic bottles ang kanilang pinagtagpi-tagpi upang gawing panala ng mga basurang sumasabay at nakakalat sa bahagi ng Gogon River sa naturang lugar.

Sa isang panayam, inihayag ni MENRO Officer Andy Po, na ito ang kanilang naisip na inisyatibo katuwang ang grupong Virac River Warriors at mga interns ng Catanduanes State University sa ilalim ng kursong BS Environmental Science.

Upang maibsan ang hirap sa pagpapanatili ng kalinisan sa ilog, naisip nilang gawin ang “eco-friendly waste strainer” sa pamamagitan ng pagdidikit-dikit sa mga plastic bottles sa pamamagitan ng ‘tamsi’ o nylon string.

Dagdag pa ng opisyal, malaking tulong aniya ito upang hindi dumiretso sa karagatan ang mga basura sa ilog na nagiging sanhi upang maapektuhan at ma kontamina ang mga bahura at tubig dagat na magreresulta sa pagkamatay ng mga isda.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *