Men’s bathroom sa isang gas station ginawang venue ng kasal

Kakaibang pagmamahalan ang pinamalas ng magkasintahan na sina Tiana at Logen Abney.

Dahil sa halip na sa simbahan ganapin ang kanilang kasal sa isang men’s bathroom ng gas station na katabi ng isang convenience store piniling magpalitan ng “I DO” nina Tiana at Logen.

Hindi lang basta ordinaryong bathroom ang ginamit na wedding venue dahil mayroon itong festive disco lights and music naa-activate kapag pinindot ang big red button.

Ayon kay Tiana gusto niyang kakaiba ang kanyang magiging kasal.

Hindi naman nahirapan makahanap ng wedding venue ang magkasintahan dahil dito nagta-trabaho si Tiana at sikat din umano ito na may festive disco lights and music.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *