Mental health hub ng bantay kabataan kausap program sa Jovellar Albay, bubuksan na sa susunod na linggo

LEGAZPI CITY – Sisimulan na ang project operation ngayong October 19, 2022 hanggang sa April 1, 2024 para sa Mental Health Hub na bubuksan sa Brgy. Mabini Jovellar, Albay.

Ayon kay Mayor Joreem Archangel ng naturang bayan, sisimulan na sa susunod na linggo ang nasabing operasyon ng Bantay Kabataan Kausap Program (BKKP) upang matulungan ang mga Jovellarenos sa mental na kalusugan.

Aniya, magiging bukas ang hub sa araw ng Sabado at Linggo.

Isa sa mga tutukang serbisyo ay ang libreng online counselling, simpleng kamustahan at pagkausap sa mga taong nakakaranas ng depression at stress, studio sa online programs, at marami pang mga gawain at mga proyekto.

Sa buong rehiyong bicol at lalawigan ng Albay, tanging ang bayan pa lamang ng Jovellar ang magkakaroon ng Mental Health Hub.

Maliban pa rito, nagbigay rin ng financial assistance ang LGU sa BKKP para sa repair and improvements ng bubuksang Mental Health Hub sa bayan. Sinabi ng alkalde, hudyat ito ng aktibo nilang pagsuporta sa mental health advocacy ng BKKP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *