Mental health ng mga bata at nakatatanda kinunsidera sa bahagyang pag luwag ng restriction- PHO

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Provincial Health Office (PHO) na kabilang sa kunsiderasyon ng Provincial Incident Management Team ang mental health lalo na ng mga bata at nakatatanda sa bahagyang pagluwag ng restriction.

Epektibo nitong Lunes, June 7, 2021 ay pinapayagan nang lumabas ang mga bata edad sampu at nakatatanda na hanggang 66 taong gulang para maka- access ng essential items and services batay sa latest advisory ng IMT.

Pinapayagan na rin ang mga itong lumabas ng bahay para maglibang o for leisure purposes.

Binago na rin ang oras ng curfew na mula alas 9 ng gabi ay ginawang nang alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.

Ayon kay acting Provincial Health Officer at Incident Commander for Health Dr. Arnel Francisco, isang taon nang halos nasa loob lang ng bahay ang mga bata at matatanda na ang karamihan ay nakakaranas na ng mental stress sa gitna pa rin ng krisis na dulot ng COVID- 19 pandemic.

We need also to give them a chance para mag konteng liwaliw ano, kasi mental stress yan eh nasa loob ka ng bahay ano, isa sa pinag tuunan namin ng pansin ngayon kung paano maka cope- up itong ating mga kababayan ngayon dahil sa tagal  na ano sila sa loob ng bahay,” ani Francisco.

“Yung sa mga bata, kailangan nila  at saka yung mga matatanda, kailangan nilang ma exert din ng effort yung kanilang physical ano fit, kung minsan kasi pag nasa loob ka lang bahay puros na lang ang inaatupag mo ay cellphone, tablet, so yung physical na activity hindi mo na nagagawa kapag hindi ka nakalabas ng bahay po”.

Aniya, masusi nila itong pinag- usapan sa IMT at tinimbang ang mga positive at negative points.

Gayunman kailangan pa rin na may kasamang magulang o guardian ang mga bata kapag lalabas ng bahay at dapat sundin ang mga umiiral na health protocols.

Kabilang din sa ikinunsidera ng bahagyang pagluwag ng restriction ay ang usapin ng ekonomiya at kabuhayan lalo yaung ang hanapbuhay ay sa gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *