Mental health ng mga nakakita at sangkot sa aksidente, isa sa mga dapat tutukan -MDRRM Ocampo

CAMARINES SUR-  Isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin matapos ang isang aksidente ay ang mentalidad ng mga nakakita, kasama sa pangyayari, maging ang pamilya ng mga biktima.

Ito ang isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni Nurse Howard De Guzman, LDRRM Officer II ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur matapos ang isinagawang Psychosocial Support Training and Workshop sa kanila ng isang international humanitarian organization. Aniya, mas mahirap bigyan ng first aid ang mentalidad kumpara sa physical injuries lalo na kung malala ang naging epekto ng aksidente sa kanila.

Dagdag pa ni De Guzman, malaking bagay ang mga ganitong aktibidad lalo na’t unang buwan pa lang ng taon, sampung aksidente na agad ang kanilang nairekord sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *