Local News

Mercedes idineklarang ASF free, restocking capacity sa mga farm pinapayagan na

CAMARINES NORTE- Deklarado nang African Swine Fever ( ASF) free ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Marso 15 pa nitong taon ang ASF Free status declaration na pirmado ni Mayor Alexander Pajarillo at Provincial Veterinarian Dr. Ronaldo Diezmo pero kahapon lang isinapubliko ng LGU.

Idineklarang ASF free ang naturang bayan batay sa administrative order no. 30 series  of 2021 o ang Guidelines  for Recovery and declaration of Freedom from ASF.

Ito ay makaraang ma-comply ng LGU ang mga kondisyon at kinakailangang requirements kabilang na ang aktuwal na pagkuha ng blood sample  sa mga alagang baboy na ipina-test pa sa regional office ng Department of Agriculture at iba pang dokumento.

Kung kaya  sa bisa ng Administrative order no. 22 series of 2020 mula sa Office of the President at Administrative circular no.12 series of  2019 ng DA ay  pormal nang ideneklara na ASF FREE na ang bayan ng Mercedes.

Mula sa pagiging RED zone o infected ng virus ibinaba na ito  sa  PINK zone na nangangahulugang maaari nang makapag alagang muli ng baboy ang mga farm at backyard hog raisers.

Ayon kay Mayor Pajarillo bagamat ASF free na ang kanilang bayan ay patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng Municipal Agriculture Office (MAO).

Hindi pa rin kasi tuluyang malaya sa banta ng ASF ang Camarines Norte lalo’t kamakailan lang ay muling nagkaroon ng panibagong kaso sa Sta Elena.

Gumawa na rin ng mga kinakilangang hakbang ang Provincial Government para mapigilan ang pagkalat ng virus.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago