Meta’s Facebook, Instagram, at Messenger outage, nagdulot ng panandaliang kaba sa Filipino users

“Isa ka rin ba sa kinabahan kagabi? Lalo na ang masasama ang ugali sa mga may messenger group chat jan?”

“E ‘yung mga marites, nayanig rin ba mga mundo niyo?”

“Kumustahin rin natin ’yung mga mahihilig kumabit diyan, nakatulog ba kayo nang mahimbig?”

Ilan lamang iyan sa Facebook posts na nag-silabasan matapos ang mahigit dalawang oras na global “Meta Outage” dahil   kagabi lang ay bigla na lamang hindi ma-access ang mga application na Facebook, Instagram, at Messenger. Pinaniniwalaan na ang pambihirang pag “shutdown” ng mga nasabing aplikasyon ay dahil sa cyber-attack. 

Sinulangat naman ito ng Spokesperson ng Meta na si Andy Stone. Ayon sa kanyang post sa aplikasyon na X, ang kanilang kumpanya ay naresolba na ang “technical issue” at humingi ito ng paumanhin sa kanilang loyal users. 

Samantala, top trending naman ang nasabing outage sa X na dating Twitter lalo na nang nagbahagi rin ng status ang mismong owner nito na si Elon Musk, “”If you’re reading this post, it’s because our servers are working.” (Kung nababasa niyo ang post na ito, ito ay dahil gumagana ang aming mga server). 

Kaugnay  nito, ang Threads at Whats App applications naman na pagmamay-ari rin ng Meta ay nakapagtala rin ng ilang isyu. 

Sa ngayon, naibalik na ulit ang operasyon ng mga nabanggit na social media platform.  ### JEREMY LESNIANA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *