Metro Manila, low-risk na sa COVID-19

Nakapagtala ng pagbaba sa COVID-19 positivity rate sa Metro Manila nitong nakaraang linggo.

Ito ay base sa pahayag mula sa OCTA Research Group ngayong Lunes, Hulyo 10.

Ayon kay Dr. Guido David, mula 4.8% noong Hulyo 1 ay bumaba sa 4.2% ang positivity rate na naitala nitong Hulyo 8.

Gayunpaman, mayroon umanong ‘upticks’ o pagtaas sa positivity rates sa anim na lugar sa Luzon.

Kabilang dito ang Camarines Sur na mula sa 14.5% ay umakyat sa 20.2%; Oriental Mindoro na mula sa 5.3% ay naging 17.6%; Palawan na mula sa 13.3% ay umakyat sa 15.3%; Quezon na mula sa 5.8% ay naging 8.3%; Rizal na mula sa 4.7% ay umakyat sa 8.5%; at Zambales na mula 6% ay naging 7.8%.

Nakapagtala ang Department of Health ng 403 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nito lamang Hulyo 9, kung saan 79 rito ay mula sa Metro Manila.//ACM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *