Metro Manila Mayors nagkaisang palawagin pa ang GCQ sa NCR

Nagkaisa ang mga alkalde sa Metro Manila na palawigin pa ang General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na siya ring tumatayo bilang chairman ng Metro Manila Council (MMC), batay sa kanilang pulong napagkasunduan ng mga Mayors sa NCR na irekomenda sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapalawig ng GCQ.

Maliban dito inihayag din ni Olivarez na pabor ang MMC na payagan muli ang mga meeting, incentives conferences at mga exhibits subalit sa limitadong kapasidad lamang.

Sa ngayon kasi bawal pa sa Metro Manila ang MICE industry habang nasa ilalim ito ng GCQ with heightened restrictions.

Samantala sinabi din ni Olivarez na mananatili ang 10 p.m. hangang 4 a.m. curfew sa NCR.

Inaasahan ngayon araw ia-anunsiyo ng Malakanyang ang bagong quarantine classifications para sa buwan ng Hunyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *