Metro Manila Subway inaasahang matatapos sa 2029 – DOTR

Nag-inspection ang Department of Transportation sa ginagawang Metro Manila Subway project sa Valenzuela City.

Ayon kay Transport Sec. Jaime Bautista nasa 40% na ang natatapos sa naturang proyekto.

Inaasahan rin na matatapos ang Metro Manila Subway sa 2029.

Pag-aaralan naman ng pamahalaan kung bubuksan ang unang segment nito ng mas maaga.

Dagdag ng kalihim pinag-aaralan na rin ang pagtatayo ng iba pang rail system sa Metro Manila kasama ang Japan International Cooperation Agency.

Ang Metro Manila Subway Project ay may 17 station mula Valenzuela hanggang NAIA at Bicutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *