MetroPESO umaasang marami pa ang mag-a avail ng Business Stimulus Program ngayong extended ang MECQ sa Naga City

NAGA CITY – Dadami pa ang bilang ng mga negosyante at mga empleyado sa pribadong sector ang maaapektuhan ng pagpalawig pa ng Modified Enhanced Community Quarantine sa Naga City.

Ito ang nakikita ni Florencio Tam Mongoso Jr. head ng Metro Public Employment Service Office (PESO)  sa panayam ng Brigada News FM Naga.

Pagbiobigay diin ni Mongoso, handa ang MetroPESO  sa ganitong problema dahil may pondo namang inilaan para sa mga apektadong individual at negosyante sa pamamagitan ng nagpapatuloy na Business Stimulus Program.

Ang programang ito ay nakapagpalabas na ng pondong halos P8M na naipautang ng walang interest sa mga negosyante at empleyado ng lungsod.

Inaasahan na madaragdagan ang pondo dahil marami ang apektado ng MECQ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *