Mga 4Ps beneficiaries sa Camarines Sur hinihintay pa rin ang cash grant para sa buwan ng Pebrero at Marso; DSWD- Bicol may paliwanag

CAMARINES SUR- Hindi pa nakakakuha ng cash grant para sa Pebrero at Marso 2023 ang mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program  (4Ps) beneficiaries sa Camarines Sur ayon sa mga nagpaabot ng impormasyon sa Brigada News FM Naga.

Sa panayam kay Department of Social Welfare and Development – Bicol 4Ps  Project Manager,  Pris Saladaga kinumpirma nito ang pangyayari.  Aniya Hunyo sana ang unang inasahang pay out pero nagkaroon ng pagsusuri ng listahan. Mayroon kasing mga nag exit na o nakagraduate na, nagkaroon din ng reassessment at revalidation.

Pagpupunto ni Saladaga, hindi lang naman ito sa Camarines Sur o sa Bicol Region kundi sa buong bansa. Ang schedule ng pay out ay itinakda na sa unang linggo ng Hulyo.

Ang lalawigan ang may pinakamaraming 4Ps beneficiaries sa Bicol sa bilang na mahigit isang daang libo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *