Mga aktibidad sa mga barangay sa bayan ng Juban, hihigpitan na ng lLGU

Maghihigpit na ang Lokal na Pamahalaan ng Juban sa lahat ng mga aktibidad sa mga barangay sa bayan, dahil ito sa sunod-sunod na mga naitalang kaguluhan sa mga isinagawang barangay event tulad ng beer plaza at mga sayawan o ‘barayle.’.

Sa ipinatawag na pulong ng Alkalde na si Gloria Alindogan, kasama ang Juban MDRRM Office, DILG, at Juban Municipal Police Station, napag-usapan ang sitwasyon ng seguridad sa mga barangay lalo na sa tuwing may mga kasiyahan.

Batay sa napagkasunduan, papayagan lamang ang mga organisasyon o indibidwal na magsagawa ng mga pagtitipon kung makukumpleto ang mga requirement tulad ng  Barangay Permit, Letter of Intent Addressed to Mayor, Certification of Compliance mula PNP at Mayor’s Permit.

Bukod pa rito,  pinapalalahanan ang lahat partikular na ang mga barangay official, na ang mga sayawan at tugtugan ay hanggang hatinggabi lamang, pag-inspeksyon sa mga pumapasok sa lugar na pagdarausan, pagkumpiska sa mga matatalim at makakapanakit na bagay pati na ang droga, pagpapatigil ng okasyon sa oras na may mangyaring gulo o away, pagbabawal ng pagbebenta at pag-iinom ng alak 100m mula sa pinagdarausan ng mga benefit dance at pagmonitor ng lebel ng alak na nainom ng mga dumadalo sa mga beer plaza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *