Mga alagang hayop, nanganganib sa tindi ng init ng panahon

Nanganganib ang mga alagang hayop, livestock, at mga zoo animals sa nararanasang init ng panahon sa bansa.

Sa Aglipay, Quirino – may ilang alagang aso na nanghihina at nakararanas ng ubo.

Pagdating naman sa livestock, napilitan na lamang ibenta ng ilang magsasaka ang kanilang baka dahil natutuyo na ang mga ilog at batis kung saan sila umiinom ng tubig.

Samantala, sa isang zoo sa Pililia, Rizal – dalawang beses sa isang araw pinaliliguan ang mga hayop doon para maibsan ang nararamdamang init.

Para tiyakin ang kalusugan ng mga hayop sa zoo, binibigyan nila ng vitamins at dalawang beses sa isang buwan pinapa-check up sa beterinaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *