Mga ambulansiyang walang sakay na pasyente, hindi papayagang dumaan sa EDSA

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi nila pinapayagang dumaan sa EDSA busway ang mga ambulansiyang walang sakay na pasyente.

Ayon kay MMDA chairman Don Artes, hindi maaring gamiting dahilan na kukuha lamang  sila ng pasyente dahil tiyak na gagamitin itong ‘palusot’ ng lahat.

Giit naman ng isang ambulance driver, sa sistema ng traffic sa bansa paano na makakarating sa lugar ng pasyenteng pi-pick-upin sa tamang oras.

Una nang natiketan ang apat na ambulansiyang walang sakay na pasyente na dumaan sa EDSA carousel kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *