Mga aplikante sa 4PH program sa Naga City dagsa sa COMELEC para kumuha  ng certification of voter’s registration

NAGA CITY – Marami ang pumupunta ngayon sa opisina ng Commission on Elections sa Naga City, hindi magparahestro kundi ang kumuha ang certification na sila ay botante at residente ng lungsod.

Ang certification of voter’s registration ay isa sa mga requirements para makapag avail sa itatayong Pambansang Pabahay Para Sa Pilipino Housing  (4PH) Project sa Barangay Balatas.

Batay sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni COMELEC Officer Atty. Maico Julia Jr.,sinabing may bayad ang naturang certification na nagkakahalaga ng P75.00 lamang, subalit kung may indigency certification na galing sa barangay libre na.

Ayon kay Julia, ang bibigyan nila ng certification ay iyong active voters lamang.

Pagbabatayan din kasi nila ang kanilang talaan, bago magbigay ng dokumentong ito na hinihingi ng aplikante.

Una ng nabanggit din ni Eric Salvino, ang housing officer ng lungsod na welcome lahat ang sinumang nais na mag apply basta nakatira at botante ang mga ito ng Naga City.

Mahigit ng dalawang libo na rin ang mga aplikante sa pabahay na ito na kung saan anim na libong mga taga lungsod ang unang mabebenipisyuhan. Hiwalay sa 4PH sa Camarines Sur. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *