Mga artists na magpe-perform sa Bagong Pilipinas Kick-Off rally, boluntaryo lang

Hindi nakapag bigay ng eksaktong halaga ang Presidential Communications Office o PCO kung magkano ang halagang nagastos at gagastusin sa Bagong Pilipinas kick-off rally bukas.

Sa Saturday News forum, sinabi ni PCO Undersecretary Gerardo Baria na karamihan sa mga artist na mag pe-perform sa kick-off rally ay boluntaryo lang at ang iba naman ay meron anyang mga donors na nag provide, dahil bahagi rin ng Bagong Pilipinas ang private support.

Gayunpaman, sa gastos na gagamitin ng mga attendees mula sa iba’t ibang government agencies ay ipo-provide ng mga department secretaries, bilang bahagi ito ng kanilang working activity.

Nabatid na may ilang indibidwal na kumukwestyon sa pagsasagawa ng Bagong Pilipinas Kick-off rally, at sinabing pagwawaldas lang ito ng pondo ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *