Mga asong naiimpound sa Naga City, dumarami

NAGA CITY- Muling nananawagan at pinapaalala ng Naga City Veterinary Office ang mga pet owners na maging responsable sa pag-aalaga ng kanilang mga aso. Kaugnay ito ng muling paglobo sa bilang ng mga naiimpound na aso sa lungsod ng Naga.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Marilee Lingua, City Veterinary Officer in Charge, noong nakaraang araw lang ay mayroon silang naimpound na 20 mga aso. Aniya, binibigyan nila ng tatlong araw ang mga may-ari ng aso na tubusin ito sa kanilang opisina. Makalipas ang itinalagang araw ng pagtutubos, kung wala pa ring pet owners ang pumunta para kunin ang kanilang alaga ay saka sila magdedesisyon na for adaptation na ang mga ito.

Aabot din sa P200 ang penalidad ng mga pet owners na hindi kayang gawin ang kanilang responsibilidad kaya’t pakiusap ng doktor na kung maaari ay huwag nang pakawalan pa ang mga alaga. Kung aalisan man ng tali, siguraduhing hindi ito makakalabas ng bahay upang maiwasan ang paggala nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *